Saturday, May 08, 2010

Hello Blogspot!

Haha. Ewan ko ba, bigla talaga lang akong ginanahan na buhayin ka ulit. Oh well, gaya-gaya lang talaga siguro ako. Haha. Since maraming bumabalik sa'yo, syempre naman, papahuli ba ako? Hindi noh. Kahit 2004 pa ang huling update ko sa'yo, tingnan mo nga naman at andyan ka pa rin. Loyal ka sa akin. Haha. Siguro, pantay na pagmamahal na lang ang ibibigay ko sa inyo ng kapatid mong si Tumblr. Medyo, malalim din naman ang pinagsamahan na namin eh. Maraming pinagdaanan at marami na rin akong nakilala dahil sa Tumblr. Naging masaya ako at naging malungkot din. Pero ito ang promise ko, hindi ko na kayo iiwan pareho. Pareho kayong magiging parte na ng buhay ko. Ano, pwede ba 'yun? Syempre naman. 'Pag may mga hindi ako masasabi sa Tumblr, sa'yo ko na lang sasabihin ha. Kasi, maliit lang naman yung chances na may makabasa dito eh. Haha. Depende na lang kung ia-announce ko palagi na may Blogger ako. Hay. Pasayahin mo nga ako Blogger. Medyo malungkot ako talaga lang ngayon eh. Pero alam kong magiging OK din ang lahat. Well, sana nga maging OK na ang lahat kagad. Ayoko ng ganitong feeling eh. Ayoko ng malungkot ako. Gusto ko yung parang ngiti ko dyan sa picture na 'yan oh. Haha. Oh well, marami pa naman tayong pagsasamahan. Marami pa akong sasabihin sa'yo. Sana andyan ka lang Blogger, palaging makikinig sa akin.

No comments: