Saturday, May 08, 2010

Sa darating na Lunes, G1BO at B1NAY ako.

First time akong boboto sa Lunes. Ewan ko, pero gusto ko talagang manalo yung iboboto ko. Gusto ko silang manalo. Sana sila ang manalo. Palagi kong pinagdadasal na sila ang manalo. Lalo na si G1BO. Sa totoo lang, nung nagendorso ang INC at ang napili nila ay si Noynoy, nalungkot ako. Hindi ako against sa desisyon ng INC kaya lang para sa akin, bawas boto na naman ito para kay G1BO. Sana kung siya ang napili nilang suportahan, malakas ang laban ni G1BO para manalo. Sana, sa Linggo, sama-sama nating ipagdasal na sana manalo si G1BO. ‘Yun ay kung kay G1BO kayo. Pero, isama rin natin sa ating mga dasal na kung sino man ang mananalo, sana maging magaling siyang pangulo ng bansa natin. Na pamunuan niya tayo ng maayos at sa malinis na paraan. Sa tingin ko, ‘yun ang mas importante. Ano, IMPOSIBLE bang manalo si G1BO? Syempre, POSIBLE! ‘Yun ay kung magsasama-sama tayo. Kaya sa Lunes, itiman ang bilog na hugis itlog, G1BO PARA PAGKAPANGULO!

No comments: