Friday, July 02, 2010

4 PEOPLE YOU WILL MEET IN LIFE.

  1. Yourself.
  2. The one you love most.
  3. The one who love you most.
  4. The one that you will spend the rest of your life with. 
Sadly in real life, these 3 people are usually not the same person. The one you love most, doesn’t love you. The one who love you most is never the one you love most. And the one that you will spend your life with, is never the one you love or the one who love you most. 
He or she is just the person who happens to be at the right place and at the right time. 

10 Things That Girls Wish Guys Knew.

  1. We don’t like it when you fart. Especially if you do it in bed, or while we’re eating. Gross, not funny and you’re wasting your time thinking that we’ll ever “learn to love them.”
  2. Don’t make fun of us when we’re with our friends. Funny in small doses, annoying when you do it constantly. Keep doing it and you’ll pretty much guarantee yourself no “goodies” for awhile.
  3. We know you’re hot, that’s one of the reasons we’re dating you. But that doesn’t mean you have to act like you know how hot you are by constantly walking around shirtless, flexing your muscles, etc. Confidence is hot – cockiness is not. 
  4. Even if you guys say you like us better dressed down with no makeup, wearing makeup and dressing up makes us feel pretty and boosts our confidence, so at least reward the hard work we do to make ourselves look good by telling us so.
  5. Those t-shirts with the giant designs on the front (or, worse, the button downs with the giant designs on the back) are not cute. They are douchey. Please don’t wear them. (Also on this list: sweatbands, sweatpants with the elastic in the bottom, slip on sandals and over-sized plastic sunglasses with giant designers names on the side.)
  6. Holidays and anniversaries might not seem like a big deal to you, but they are to us. Even if we say we don’t want something for Valentine’s Day, we want something. It isn’t the “thing” we care about; it is the fact that you are thinking about us. So think about us, dammit.
  7. Thongs are really uncomfortable. You may think they are the end all be all of sexy, but they hurt.
  8. Our friends are like a second family to us, so once you’re in with them, you’re set for life. Even though we know they’re loud and obnoxious sometimes, learn to love them. We deal with your boys, so do the same for us.
  9. There’s nothing we hate more than being called crazy or dramatic. No matter how much you think we overreact about our problems, they matter to us and we need you on our side to support us, rather than making us feel worse.
  10. If it’s possible that there is anything worse than calling us crazy, it’s comparing us to other girls.  I know it’s a double standard that we should be allowed to drool over any shirtless picture of Zac Efron we find in Us Weekly, while freaking out when you make a comment about any female celebrity in a bikini. You might not realize it, but we automatically compare ourselves to every other girl on the planet, so saying another girl is hot makes us think we’re not good enough. Crazy, maybe, but we’re just being honest.

Thursday, July 01, 2010

Fried Chicken & Mixed Vegetables.


'Eto na naman ako, kakakain ko lang. Obviously, ayan ang mga ulam ko kanina. Fried chicken and Mixed Vegetables. Siguro, kahit sino naman makaka-relate sa akin. Lahat naman siguro tayo nagdaan sa pagkabata at lahat tayo nahilig sa fried chicken. Haha. Masarap naman kasi talaga. Ewan ko nga ba. Sa edad kong ito, isa 'yan sa mga masasabi kong, gusto kong pagkain hanggang ngayon. Lalo na yung malutong ang balat. Wow. Parang nagugutom na naman ako. Tapos sasamahan pa ng mixed vegetables. Eh 'di mas lalong sumarap ang kain ko. Siguro kahit sino naman din sa atin, alam kung pano lutuin ang fried chicken. Madali lang naman talaga kasi. Kailangan mo lang ng chicken syempre. Tapos seasonings. Pampasarap kungbaga. Tapos yung mga ilalagay mo para maging crispy. Flour, egg, minsan nga may bread crumbs pa eh. Haha. Para naman pagkagat mo eh talaga namang sobrang lutong. Haha. Isa siguro ang fried chicken na babalik balikan ko hanggang sa tumanda ako. Kahit siguro wala na akong mga ngipin, kakain pa rin ako nito. Kungbaga,. parte na 'to talaga ng buhay natin. Isa sa mga ulam na alam mong makakapagpasaya sa'yo. Syempre, kailangan may ketchup ha. Hindi kumpleto ang fried chicken 'pag walang ketchup eh. Haha. Minsan naman gravy. Actually, sa mga fast food lang 'yun. Pero 'pag nasa bahay ka lang, OK na ang ketchup na lang. Sa ganun, solb na. 'Eto ako ngayon, naparami na naman ang kain. Busog na busog. Haha. Oh, umamin ka! Masarap kumain 'pag masarap ang ulam. Haha. Oh, tara! Kain ulit tayo. Haha.

Wednesday, June 30, 2010

Matagal na rin.

Sa kadahilanang maraming tao na ulit ang andito, kailangan bang sumunod na rin ako? Ayokong umalis sa isang bagay na alam kong nakasanayan ko na. Pero naging parte ko rin naman itong lugar na ito. Huling update ko pa pala ay nung eleksyon. Marami ng nangyari sa akin ang hindi ko naibahagi dito. Maraming naganap na sa buhay ko ang hindi ko naikwento sa lugar na ito. Minsan nga, nakakalimutan kong may ganito pala ako. Pero makalimutan ko man minsan, sigurado akong hindi panghabang-buhay. Itong blogspot ang isa sa mga bagay a palagi kong lilingunin sa buong buhay ko. Nagsimula ako dito nung 2004 pa. Sa makatuwid, 6 na taon na ako dito. Ang tagal na rin. Ang buhay nun ay simple pa. Kung ano-ano lang ang mga sinasabi ko. Siguro kasi, bata pa ako. Pero 'eto ako ngayon, nagbabalik sa isang lugar na naging tapunan ko ng mga emosyon ko noon. Hay buti na lang at hanggang ngayon ay andito ka pa rin. Hindi mo ako iniwan kahit alam kong alam mong iniwan kita noon. Pero 'wag kang mag-alala. Andito na ako ulit. Salamat sa paghihintay, salamat sa pagmamahal na iyong inaalay.

Monday, May 10, 2010

Wala akong maisip na title, basta tungkol ito sa pagboto ko.

So ayun na nga. nakaboto na rin ako sa wakas. 3 hours halos. 7am nung gumising ako, 7:45am nung pumunta kami.. 8am ako nung pumila. Actually, may katangahan pa nga akong ginawa. Pumila ako sa hindi ko naman pila. Haha. So nasayang ang 30 minutes na ipinila ko. Buti na lang at nagdouble-check ako ng precinct ko at ayun, umulit na naman ako ng pila ko. Wow. Ang tagal lang. Actually, ayokong-ayokong pumipila, as in hate ko talaga. Pero para kay G1BO, pumila ako ng ganun katagal ha. Haha. Tapos may tinarayan pa ako dun. Pa'no ba naman, sumingit at sa mismong harapan ko pa. Sabi ko na lang, 'Excuse me?! Doon ang pila oh, sa likod.' Tapos nasabi na lang niya, 'Ay, sorry.' Sobrang init, sobrang pawis. Nahihilo na nga ako actually. Sinabi ko sa sarili ko, na sana kumain pala ako bago ako umalis. Grabe lang. Yung shirt ko, basang-basa ng pawis. Parang binuhusan ng tubig. Haha. Actually, nakakatawa. 4 kaming botante dito sa bahay, iba-ibang presidentiable. Ako, kay G1BO. Tita #1, Villar. Tita #2, Noynoy at Tita #3, Villanueva. Sa mga Senatoriables lang kami nagkasundo eh. Haha. Oh well. Kanya-kanyang desisyon 'yan. Basta sana, manalo ang manok ko.

Unang natapos yung isa kong Tita. Senior Citizen na kasi. Swerte niya. Haha. Then, nagtext siya kung tapos na daw ba ako. So nagtext ako, pinuntahan niya ako. Nagpabili ako ng Mineral Water na hindi ko naman ininom kasi nakakadiri yung lasa. As in, kadiri talaga yung lasa. Ew. Buti na lang, may stall ng Jollibee dun, so nagpabili ako ng burger at nanginain muna ako habang nakapila ako. 10:45am, nung dumating na ako sa tugatog ng tagumpay. May number eh. So pagpasok ko, abot ng # ko. #83, nagtanong si Ate, 'Sir ano pong precinct # niyo?' Sabi ko, '643D po.' Then nagtanong siya, 'Ano pong # niyo sa list?' Sabi ko, '110. Ephraim Malicsi' Pinapirma ako ni ate, at naglagay ng aking right thumbmark. Then, inabot niya na ang balota at pumunta na ako sa isang table na may marker at may folder. Bago ako magshade, sinambit ko ang isang maikling panalangin, 'ALL FOR JESUS AND MAMA MARY. HOLY SPIRIT, GUIDE AND ENLIGHTEN US.' 'Yan ang dasal na palagi kong sinasambit sa bago ako magsimula ng isang gawain. Sabi kasi nila, dapat gawin mo 'yun hindi lang para sa sarili mo, kundi para sa Diyos. At bumuboto ako ngayon, hindi lang para sa sarili at bayan ko, kundi para sa Diyos. Tapos inilabas ko ang aking KODIGS at nagsimulang magshade ng bilog na hugis itlogs. Haha. Sa totoo lang, nanginginig yung kamay ko. Kabado, baka magkamali. Nakakahiya kung iluluwa ng PCOS machine yung balota ko noh. Binibilang kong mabuti kung tama ba ang numero ng mga kandidatong binoto ko. Pagkatapos, tumayo ako at dumirecho sa PCOS machine. 'Eto na ang exciting part! So nilagay ko na ang aking balota, ....... VERIFYING........ CONGRATULATIONS! Haha. At nagpalagay ako ng indelible ink na imbyerna~ si Ate kasi yung buong kuko ko ang nilagyan. Lumabas ako ng voting precinct ng nakangiti. Ang sarap ng feeling.

Dumirecho ako sa Tita ko. At ayun, hinintay pa namin ang aking dalawang tita. Sarap ng feeling. Para akong nabunutan ng tinik. Nakahinga ako ng maluwag. Ngayon, ang hiling ko na lang na sana manalo ang mga kandidatong binoto ko. Sana talaga. Pero kung hindi man, paulit-ulit kong sasabihin na sa mananalo, sana mapamunuan niya tayo ng maayos. Sa mabuting paraan. Sa makadiyos at makataong paraan. Ganun pala ang pakiramdam ng bumuboto. Nakakakaba pero nakakagaan ng loob. May mga nakapansin na medyo mabagal ang sistema ngayon. Narinig ko na, NOON, mabilis bumoto, matagal ang resulta. NGAYON, matagal bumoto, mabilis ang resulta. Siguro kasi noon, maraming presinto kasi mano-mano. Eh ngayon, konti lang ang mga PCOS machines sa bawat lugar kaya matagal ang proseso. Matagal ang pagpila. Konti ang presintong bukas. Oh well, umpisa palang naman. Sana sa mga susunod na taon, maging maayos na ito. So ayan ang kwento ko.