Sunday, May 09, 2010

ACNE TREATMENT + BURGERS = HAPPINESS.

Goodevening. Errr. Uh, ano nga bang araw ko ngayon? Syempre, hindi naman ako nakapagcelebrate ng Mother's Day ngayon kasi nga hindi ko naman kasama ang Mom ko. Siguro, sila sa Cavite, nagcelebrate sila. Kainggit lang. Haha. Oh well, uuwi naman ako dun after elections. So ano nga bang nangyari sa araw ko? Una, hindi ako nakapagsimba. Masamang tao na ba ako 'pag ganun? 'Wag naman sana. Pumunta kasi ako sa SM Fairview. Nagpatreat ako ng mga pimples ko. So ayan ang itsura ko ngayon. Sugat-sugat, namamaga at mahapdi ang mukha. Sabi nga nung Aesthetician ko kanina, 'Sir, March pa po yung last na treatment niyo ah.' sabi ko na lang, 'Oo nga eh, busy kasi.' Oh, nga pala, umiyak ako kanina. Haha. Naiyak ako sa pagprick ng pimples ko. Well, palagi naman akong naiiyak 'pag ganun. Oh well. Then, pagkatapos habang naglalakad ako, ang dami kong nakikitang tao. Well, dahil nga sa Mother's Day. Lahat ng tao nasa malls. Ang sikip ng SM Fairview. Balikat sa balikat. Hay nako. Ayoko pa naman ng ganun. Errrr. Nakakainggit lang. Bakit? Eh lahat halos ng nakikita ko pamilya. Nagse-celebrate syempre. Family bonding. Ganun. Siguro kung nasa Cavite ako ngayon, ganun din kami. Oh well. Then naisip ko, ang tagal ko na palang nagcra-crave sa burgers. As in sa araw-araw, gusto kong kumain talaga ng burger. Syempre, pampasaya ko na lang sa sarili ko, bumili ako ng 4 cheeseburger sa Slammer Burgers. So masaya akong umuwi. Excited na kumain ng burgers. Haha. Oh, bago pala ako umuwi, bumili muna ako ng drink sa ~*stArVuCks*~. Then, umuwi na. Sabi ko sa sarili ko, since hindi ako nakapagsimba ngayong araw na ito, magtutulos na lang ako ng kandila sa bahay. Gusto ko kasing ipagdasal ang eleksyon bukas at syempre pati ang mga kandidato ko. Sana manalo sila. Gusto ko talaga silang manalo, lalo na si G1BO. Pero kung hindi man siya ang manalo, ang mahalaga, dun sa mananalo, ay mapatakbo niya at mapamunuan niya ng maayos ang ating bansa. 'Yun naman ang importante talaga. Then pagdating ko dito sa bahay, nakita ako ang girl kong pinsan, so binigyan ko siya ng 1 burger ko. Ang bait ko noh. Haha. Oh well, kuya ako eh, kaya ganun.'Yun, at nagpakabusog na ako sa mga burgers ko. Haha. Yumyum. Ang sarap. Oh well, blah. Sige na! Whatever.

No comments: