Sunday, May 09, 2010

Sa Lahat ng Chop-Chop, Ikaw ang Buo.

Well, Happy Mother's Day sa Mom ko! I Love you Mom, sobra. It's your day kaya sana magenjoy ka dyan sa Cavite. Alam kong hindi mo ito mababasa pero kahit man ganun atleast 'pag dumating yung panahon na may mga anak na ako at wala ka na sa mundong ito, pwede ko pa rin mabasa ito at maipagmalaki sa mga anak ko na naging isang mabuti kang ina sa akin. Na isa kang magaling na Lola. Thanks Mom. Mahal na mahal kita. Anyways, hindi maganda ang gising ko ha. Pa'no ba naman, sobrang init. Basang-basa ako ng pawis. Grabe talaga. Hindi magandang pangitain 'yun. Yung binubugang hangin ng electric fan ko ay mainit din. Hay nako. Ano bang nangyayari sa Pilipinas? Akala ko ba tag-ulan na? Oh, asan ka ulan? Haha. Oh well, sana umulan naman. Tapos mamaya, aalis ako kasama ang nanay-nanayan ko. Si Tita. Papaderma kami pareho. Errrr. Dumami pimples ko ah. Siguro dahil sa puyat saka sa weather na rin. Kainis lang. Oh well, oh siya. Have a nice day everyone.

No comments: