Saturday, May 08, 2010

Lahat kami ay may kaugnayan sa mga bata.


Bakit ko nasabi ito? Hmm. Napansin ko lang naman na yung mga trabaho namin sa pamilya o mga kinahihiligan naming lahat sa pamilya ay may kaugnayan sa mga bata. Ganito, ang aking mother ay isang Doctor. Kailangan ko pa bang iexplain kung bakit? Haha. Hindi siya Pediatrician, pero syempre kahit papano, may mga bata pa rin siyang nagiging pasyente. My father is a Teacher. College Professor to be exact pero teacher din siya sa elementary and high school. Pwede pa rin naman nating i-consider na bata ang mga college students diba? Haha. Tatlong tita ko ang tinitirhan ko mula noon hanggang ngayon. In fact, dito na ako lumaki at nagkamalay. Yung una kong tita, isa rin siyang Teacher. Pre-school teacher. Obviously, BATA. Hindi na kailangang iexplain pa diba? Tapos itong tita kong ito ay active sa Church. So teacher siya ng mga bata sa Catechism. Yung parang ganun. Basta, ‘di ko alam eh. My next tita is a Commerce graduate. She works in a company. Asan yung bata dun? Syempre, wala dun noh. Diba sabi ko, hindi lang sa trabaho pati na rin sa mga ibang kinahihiligang gawin sa buhay. Active din siya sa Church, sa religion niya. She’s a Born-Again Christian kasi. Head siya ng Sunday School and Children’s Church. Kungbaga, teacher siya ng mga bata sa Church nila.
Random Fact: Naging teacher ko silang tatlo nung bata pa ako. My Dad and my 2 Titas. Yung dad ko, nung nag-aral ako sa Cavite dati. 1 year lang ‘yun. Yung Tita kong isa, nung pre-school and kindergarten ako at yung isa kong tita, syempre sa Church namin. Yes, I can go kahit saang simbahan. I think, wala namang masama dun diba? Catholic man or Born-Again, isa lang naman ang Diyos na pinaniniwalaan. Oh well, diba sabi ko tatlo ang tita kong kasama ko dito sa bahay. Yung last kong tita, plain housewife. Nag-aalaga ng pinsan kong 9 years old. Oh, bata pa rin ‘yun diba. Yung husband niya na tito ko, namatay na last year. Brother siya ng mom ko at nung dalawa ko pang tita. At syempre, last but not definitely not the least, AKO. Ano bang trabaho ko? Well, alam niyo namang lahat na. Isa akong NURSE.
Sa pinagtratrabahuan kong Public Hospital sa Bulacan, eh halos lahat ng nagiging pasyente ko ay mga bata. Well, its either matatanda lang naman or bata talaga. ‘Yan ang mga high-risk sa mga sakit talaga. Pero mas marami pa rin ang mga bata. Malilikot, makukulit, kung ano-anong ginagawa etc etc. Maraming gustong gawin, maraming gustong malaman. Kaya maraming pwedeng mangyari. Minsan din akong naging bata. Actually, 15 years ago? 16, 17, 18? Basta naging bata rin ako noon kaya alam kong lahat ng ito. Kaya ngayon, masyado akong napalapit sa mga bata. Nakakaawa ‘pag umiiyak kasi nasasaktan. Lalo na ‘pag iniinjectionan namin sila. Minsan, kahit ako nasasaktan din. Pero ganun talaga, ito ang pinasok ko, kaya dapat tanggapin at mahalin ko lahat ng mga pwedeng idulot nito sa buhay ko. 

No comments: